Order for Dec 23 -27 - Same day shipping only via grab/lalamove from Paranaque City. Pre-order for January 3, 2025 - normal shipping resumes. No pick-up for Dec 21-22, Dec 28-January 2.

The Gift of Friendship: @izabella.resin

Habang binabasa mo to sis, nasa Uppsala, Sweden ka na! :) 

2019, Madalas ko nang nakikita ang account ni @izabella.resin sa Instagram dahil mahilig ako mag-follow ng mga Resin accounts kaya na-target tuloy ako ng IG ads niya! Humanga na ako sa mga gawa niya, finollow at nili-like ko lagi ang mga photos. 

Sa BGC Art Mart last November 2019 ko naman unang nakilala si Sis Bella. Ako ang isang klase ng bazaarista na mahilig iwan ang lamesa at paninda niya para mangapit-bahay! haha! Nakita ko ang table ni Bella, nakita ko muna ang mga crochet products (@creativehooksup), at sa kalahati ng table mga resin products naman. Tinanong ko bigla "Ay si Izabella Resin po ka-half niyo?" naalala ko pa ang sagot niya "hindi, ako rin yun haha, ako gumagawa nitong pareho" hahahaha! Ang sis Bella mo, super talented! 

Doon na nag-start nag friendship namin at chikahan online! Nakasama ko pa siya sa isang Valentine bazaar noong February 2019 sa may UN Mall sa katabi ng DLSU.  Nakasama ko rin siyang mag-IG live during this quarantine! Dyusko, halos 2 oras na chikahan at tanungan ang ginawa namin, nakakatuwa kasi ganoon kami mag-usap sa personal, puro hugot, may mga biro at syempre learnings from Teacher Bella. 

Kaya naman I'm super proud of her noong sinabi niya sa akin na natanggap na siya sa MA scholarship for Uppsala University sa Sweden! At nag-promise ako na bago siya makaalis, dapat makakuha ako ng earrings niya! 

Sa dami ng nagre-Resin art ngayon, kay Bella talaga ako humanga. Ang tingin ko kasi sa mga obra niya may mga mini forests at garden sa loob! Lalo na sa mga malalaki niyang necklace pendants, just wow! She can beautifully craft and combine ang colors, kasama ng mga flower petals, leaves at stem. Karamihan naman ng mga napili ko ay itong mga studs, colorful ang mga bulaklak. 

Heto ang mga ayuda from Sis Bella, ang napakagandang ocean bracelet, napanalunan ko pa sa raffle! I picked the earrings na alam kong hindi ko kayang gawin, lalo na itong mga studs. :) 

Izabella Resin earrings

Noong sinubukan ko mag-resin last May 2020, siya rin ang naigigng tanungan ko. Nanunood ako ng mga live sessions niya palagi. Mas tumaas ang respeto ko sa mga resin artists, lalo na kay Bella. Pangatlong try ko na to ng resin pero talagang hirap ako. Ang clear liquid na resin ay may malakas na amoy, madalas uneven din ang surface pag na-cure/tumigas/natuyo kaya kailangan mo pang i-polish gamit ang sand-paper or drill, at lagyan pa ulit ng isang layer ng resin para maging makintab uli. Lahat ng prosesong ito, hindi matatapos sa isang araw lamang. 

I will forever be amazed sa mga resin artists, grabe the amount of effort and patience bago matapos ang isang piece! And I will be forever a fan of @izabella.resin! Thank you sa friendship, sa gift, at sa mga times na we are both down na hirap na hirap sa pagcra-craft pero support pa rin tayo sa isa't-isa. 

Kaya naman good-luck sa bagong life adventure sis Bella! See you after 2 years! 

Leave a comment

Please note, comments must be approved before they are published