Order for Dec 23 -27 - Same day shipping only via grab/lalamove from Paranaque City. Pre-order for January 3, 2025 - normal shipping resumes. No pick-up for Dec 21-22, Dec 28-January 2.

Do what you love: Crafting and Writing

Crafting and writing are 2 things that come naturally for me. Sila ang dalawang bagay na hindi ko talaga sinusukuan over the years! (pati rin pala pag-ibig, charot haha!) 

I both started crafting and writing during my college years, doon talaga na-develop ang desire to start a craft business and hone my skill for writing. Kaya lang nga, after graduation, writing took the back seat for me.

(2013 and 2014. Pak fierce ang ate mong nanalo! haha!) 

When I started working and finally built Halina, those things had to come first. Super active ko pa naman sa writing community noong college. Nakapanalo ako ng 3 awards for Filipino short story, non-fiction at children's story nang sumali ako sa university-wide writing competition sa UST, kung saan ako nag-aaral. Isa pang award ang nakuha ko para sa sa short story sa aking blog site. Nakapag-writing workshop na rin ako sa TV5, GMA7, under the famous Filipino author Eros Atalia at isang national writers workshop dito sa Pilipinas.

(Writing workshops I've been to! Nakaka-miss!)

Akala ko talaga dati magiging writer ako sa TV o kaya sa publications! As in, akala rin ng family and friends na writing ang path ko after graduation, pero may ibang plano si Lord. Nagkaroon ako ng 3 trabaho bago ko itayo ang Halina, all 3 jobs puro sales position! Hindi ko masyadong nagamit ang mga pinag-aralan ko sa pagsusulat, pero may mga important skills akong dumagdag. Gumaling akong magsalita, natututong kumausap ng mga kliyente, mas tumatag rin ang loob at naging go-getter. 🙌🏻

Last 2016 pa ako nagsulat publicly, but it doesn't mean na I totally stopped writing. Lagi pa rin akong nagsusulat sa personal journal, bawat email o letter kunwari writing masterpiece ko! Na-practice rin ako sa paggawa ng 'copies' at product descriptions dito sa Halina. Bawat social media postings at lahat ng information sa website ako na rin ang nagsusulat. 

Kaya lang nga, when my hands started to get busy in doing the handmade earrings, kaysa mag-type ako sa computer, pinapahinga ko na sila. Minsan nauubusan na rin ako ng mga salita kaka
-reply sa comment at message inquiries mula sa mga customers. Syempre, medyo nalungkot din ako. 'Yun mga kaibigan at kasabayan ko kasi sa writing noon may mga published books na, nagsusulat for TV, nakapanalo sa Palanca Awards at may mga films na sa Cinemalaya. Malungkot pero tanggap ko  naman na minsan hindi talagang kayang pagsabay-sabayin ang lahat ng pangarap. 

(2020. Stronger than ever, laban!)

Ngayon, wala na talaga akong excuse para hindi magsulat. Simula nang magka-COVID dumami ang free time ko. Wala na kasi akong bazaars na pinaghahandaan, usually sa malaking 3-day bazaar, around 300 pairs of earrings ang bitbit ko na kailangan nang 2-3 weeks na preparation time. Hindi na rin muna ako nag-recontract sa mga partner stores ko. Napunta na lahat ng attention ko sa online selling at dito sa website. I told myself that with the 'new normal' its time to finally go back to my writing after 4 long years. 

Eh, bakit nga ba ako natagalan? Nakakatakot kasi magsulat. Mas magaling ako magsulat tungkol sa life experiences, madalas may mga kuwento akong nakakahiya kahit nakakatawa, o mga pangyayaring hindi masaya - heartbreaks, failures, bad decisions sa business.

Paulit-ulit ko tuloy tinatanong ang sarili ko if ipu-push ko ba 'to. Paano kung i-bash ako, may bad comments, maglabasan ang haters at may mga mag-unfollow? At lalo na, baka mamaya maka-affect 'to sa Halina Jewelry branding? Will my customers and friends appreciate if I will tell stories?

Still, I know deep inside that more than crafting - writing is also one of my talents wherein I can really share to others.

Sana sa mga blog posts na ito may mga maka-relate at ma-inspire. For the past years ang dami kong na-experience sa Halina at sa mga naunang business attempts ko! Katulad na lang noong na-scam ako at nagbayad ng downpayment sa isang store na never (as in never!) nagbukas. O kaya, my 1st ever bazaar at 18 years old na nauwi sa ilang oras na na pag-iyak. Hahaha see, nakakahiya nga! Pero ang lessons learned ko naman dyan, hindi rin matutumbasan. 😉

It took me awhile to condition myself to publicly share again and it took a global pandemic for me to realize that. Ang life lesson ko ngayon 2020, "do the things you are afraid of, life is too short to be scared." 

Alam ko marami sa atin nagdadalawang isip na gawin 'yan passion, business idea at something you really like to try. Baka mag-fail, baka mapahiya ka, baka pangit pala, baka may mga lumait. But I'm here to tell you, don't hesitate and keep doing you. Guess what, 'yun mga haters? They are secretly your biggest fans. People who are unsupportive at sisiraan ka online? They don't know you and your whole story. Plus sila naman magmu-mukhang tanga at bitter! hehehe. Trust me, I've dealt with those things and worse! If like me, you are scared of what other people will say, remember this quote, "Don't take criticism from someone you wouldn't take advice from." 

Go lang nang go! Sa totoo lang, pare-pareho naman tayong natatakot. Lakasan lang ng loob at susubok uli tayo!

Kaya heto po ako at excited na uling magkwento! Buo pa rin ang pangarap ko na sana someday makapag-publish ako ng libro, or maka-sulat for a wider audience. Sa ngayon, baby steps, magre-review uli ako kung paano magsulat at hindi ako magpapatinag! Asahan niyong makakabasa kayo ng blogs about my bazaar experiences, pati na katangahan at kamalian sa business at syempre mga tips and tricks.

Gusto ko rin mag-feature ng mga nakilala kong talented Filipino artists na I'm very lucky to have known and be friends with! 

Love and light with a lot of good vibes in the coming Halina blogs! I feel myself changing, and with it, Halina is also progressing. 😉 💖

 

_____________________________________

In the middle of writing this, I heard about the death of the well-loved and famous vlogger, Lloyd Cadena. At 26, ang dami niyang narating at natulungan. It's a sad day. Ang tagal ko na siyang pinapanood and I'm really amazed on how he can just be open and put himself out there for the world to know. May he be a reminder to all of us, to just keep doing you and do the things you want for yourself. Life is really too short. Praying for you and this is for you, Lloyd.. 

Leave a comment

Please note, comments must be approved before they are published